"Parekoy, pabor ka ba sa RH Bill?"
"Aba, repaks, hindi ako pabor diyan. Pag napasa yan, magiging ligal na ang abortion. Tapos, pag-grade 5 pa lang ang anak mo, tuturuan na agad ng sex. Tama ba yun? Tapos, dadami ang mabubuntis na teenager kasi magkakalat ang gobyerno ng mga condom. Pamimigay kung kani-kanino. Aba, anong klaseng batas yan?! Isa pa, uubusin niyan ang pondo ng bayan natin. Kasi imbes na ibili ng mga pagkain, mga gamot at iba pang magagandang bagay, eh ibibili yung pera ng bayan ng condom at pills. Ay naku, ayoko yan, Ayoko yang RH Bill na yan!"
"Aba, ang sama pala talaga ano? Siyanga pala. Bakit ang dami mong alam sa RH Bill. Nabasa mo na ba yung official draft na ipi-file sa Congress?"
"Ah, eh. hindi. Narinig ko lang. Ganun daw yun, eh."
No comments:
Post a Comment