Wednesday, June 15, 2011

Philippine History: Magellan And Lapu-Lapu, Year 1521

Magellan: Tayo sa Pinas, dami paminta dun, saka daming bebot. Pagtapos sa Cebu, arya tayo sa Mactan.
Lapu-lapu: ‘Tang-ina nyo, subukan nyo lang. Hanggang Cebu lang kayo. Wag na wag kayong pupunta dito sa Mactan. Ayaw namin sa inyo. Gulok ko ang sasalubong sa inyo!
Magellan: Wag nyong intindihin yang si Lapu-lapu. Local lang yan. Isama natin si Pader para kunyari, magandang balita ang dala natin, hindi pananakop.
Lapu-lapu: Sugod mga kapatid!!!
And the rest, as they say, is history.

Tuesday, June 14, 2011

Kwentuhang RH Bill







"Parekoy, pabor ka ba sa RH Bill?"

"Aba, repaks, hindi ako pabor diyan. Pag napasa yan, magiging ligal na ang abortion. Tapos, pag-grade 5 pa lang ang anak mo, tuturuan na agad ng sex. Tama ba yun? Tapos, dadami ang mabubuntis na teenager kasi magkakalat ang gobyerno ng mga condom. Pamimigay kung kani-kanino. Aba, anong klaseng batas yan?! Isa pa, uubusin niyan ang pondo ng bayan natin. Kasi imbes na ibili ng mga pagkain, mga gamot at iba pang magagandang bagay, eh ibibili yung pera ng bayan ng condom at pills. Ay naku, ayoko yan, Ayoko yang RH Bill na yan!"

"Aba, ang sama pala talaga ano? Siyanga pala. Bakit ang dami mong alam sa RH Bill. Nabasa mo na ba yung official draft na ipi-file sa Congress?"

"Ah, eh. hindi. Narinig ko lang. Ganun daw yun, eh."